|
Ang
Aming Komunidad Ang Silver Saddle ay
nasa California City. Matatagpuan ito sa Fremont Valley, kung saan ay
dulo ng norte ng Antelope Valley. Bumisita na para malaman ninyo ang
buong kasaysayan ng aming lugar. Ang
California City ay may magandang klima kaya marami kayong magagawa.
Ang isa sa pangunahing pantawag pansin ay ang Tierra Del Sol; kung
saan bukas ang golf course ng buong taon at maaari kayong makapaglaro
sa 6,800 yarda na lupain. Ang layo ng California
City sa Los Angeles ay 120 milya; 220 milya naman mula sa Las
Vegas,Nevada at maikling biyahe mula sa Mexico. Kahit sang panig ninyo
tignan, ang California City ay maghahandog ng kahit anong kasiyahan
para sa lahat. At isa pang pantawag
pansin na tiyak na magugustuhan ninyo ay ang Central Park, kung saan
ay maraming magagawa at libangan para sa lahat. Ito ay may 18 acre na
lawa, marina, sports center, pati tennis courts at golf course. Ilang minuto lang ang
layo nito sa Edwards Air Force Base kung saan ang babaan ng mga
shuttles ng United States nung unang panahon. |